Ako ay isang babaeng bayaran,
Babaeng bayaran na parausan.
Babaeng bayaran na pinagpapasa pasahan.
Babaeng bayaran na nagbebenta ng laman.
Babaeng bayaran na isang puta na walang ibang alam gawin
kundi bumakaka at humiga lamang.
Babaeng bayaran na walang takot sa maykapal.
Kalapating mababa ang lipad na walang pangarap at gusto lang ay pasarap.
Alam man naming ito'y kasalanan,
ilegal at talaga namang kami ay huhusgahan;
sanayan na lang ganun naman
kapag pumasok sa mundong ito, loob ay palakasan
ngunit hindi pa rin namin maiwasang masaktan.
Natural, dahil kami pa rin ay nilalang na may damdamin at nagdaramdam
na sa tuwing inyong inuusal na ito'y aming ginagawa
para sa luho at pansarili lamang.
Pero wala, pinagsasawalang bahala na lang at tila puso na bakal.
Bawat isa sa amin ay may dahilan
kung bakit kami humantong sa ganitong kalakaran.
May magagandang mayaman na sadyang sex ang libangan,
mga babaeng maluho at gustong agad yumaman,
Mga inang mag isang itinataguyod ang kanilang anak dahil sila'y iniwan.
Mga anak na walang ibang maisip na paraan
para itaguyod ang mga kapatid at magulang,
Mga estudyanteng may mataas na pangarap na nais makamtan,
Mga babaeng sobra na ang naranasang kahirapan
kaya't kapit patalim na ang kanilang kailangan.
At ako, Ako na isang biktima ng matinding karahasan sa aking nakaraan,
hindi ko man mailahad ang malupit na aking naranasan
mas mabuti na rin magbenta ng laman kaysa buhay ko'y wakasan.
Kaya't gabi gabi pa rin akong umiiyak sa maykapal
kung bakit ganitong buhay aking kinahantungan;
labis akong inabuso at nasaktan pero huli man na ang lahat,
Andito na ko, naging masaya na rin sa lahat ng karanasan
saking pagiging buhay ng babaeng bayaran.
Dito maraming humahanga,
nagmamalasakit at nirerespeto ng mga kalalakihan
kahit sa bandang huli ang kanilang habol ay aming katawan.
hindi man permanente pero nakakaramdam na kami ay espesyal,
dahil hindi naman lahat puro ulo sa baba ang pinapairal.
Marunong pa rin silang rumespeto at lumugar kahit kami ay bayaran
Ika nga'y "Gentleman"
Napakawalang kwentang dahilan?
Dahil napakarami namang paraan?
Dito na papasok ang salitang "WALA KA NG PAKIALAM"
unang una hindi mo ito katawan,
at hindi naman ikaw ang maapektuhan.
Kung sakaling ikaw ang asawa o kasintahan
ng isa sa nakasama naming lalaki sa higaan,
Huwag ka mag alala dahil ang isa sa pinakamahalagang
dapat namin tandaan, "BAWAL ANG MAGMAHALAN"
Golden rule yan sa industriyang aming kinabibilangan.
Pagtapos ng isang gabi, matatapos na rin ang aming ugnayan.
Kaya't mas mag ingat kayo sa mga babaeng painosenteng malalandi dyan.
hindi man sila bayaran pero mas matindi ang pangangailangan nyan
atensyon at pagmamahal na sapat ng sumira ng pamilya o relasyon ninyong magkasintahan.